Home Balita Ibinasura ang reklamo laban sa ex-DoTr exec, 2 iba pa

Ibinasura ang reklamo laban sa ex-DoTr exec, 2 iba pa

29
0

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang reklamong inihain ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) laban kay dating Transportation Undersecretary Cesar Chavez at dalawang iba pa.

Nagsampa ng reklamo ang BURI noong Setyembre 2017 laban kina Chavez, Hernando Cabrera at Jorjette Bellen. Kasama sa reklamo ang ilan sa mga billing ng BURI.

Sinabi ng Ombudsman sa isang joint resolution na “hindi naitatag ang probable cause para kasuhan sina Chavez at Cabrera para sa paglabag sa Section 3 (e) at (f) ng Republic Act (RA) 3019 o ang ‘Anti-Graft and Corrupt Practices Act’. “

“As it were, respondents does not cause any undue injury to BURI because all their actions were based on the provisions of the Contract…”, the Ombudsman said.

“Walang patunay na si Chavez ay kumilos nang kakatwa, kapritsoso, o may masamang hangarin noong hinihiling niya ang BURI na sumunod sa ilang mga kundisyon bago mabayaran ang mga pagsingil ng BURI,” sabi ng Ombudsman.

Sinabi rin ng Ombudsman na “hindi pa napatunayan ang pagkakaroon ng pagsasabwatan sa mga respondent.”

Gayundin, sinabi nitong walang ebidensya na nilabag nina Chavez at Cabrera ang Norms of Conduct of Public Officials and Employees and the Duties of Public Officials and Employees na binanggit sa ilalim ng RA 6713. “The acts attributed to them… were no tainted with any irregularity o sa lubos na kapinsalaan sa publiko”, sabi ng Ombudsman.

Ang RA 6713 ay ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.”

Noong Nobyembre 2017, winakasan ng Department of Transportation ang MRT-3 maintenance contract sa BURI.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here